Kinumpol mo ang bawat ulap sa langit.
Kinortehan mo ng puso.
(N [-agtatatalon]
a [-ng puso ko sa bawat]
l [-umilipas na oras]
a [-t panahong tayo’y]
l [-aging magkasama]
a [-t magkatuwang;]
g [-anito na]
l [-ang sana sa bawat]
a [-raw ng buhay ko]
[g]
ako sa iyo.)